Hi, my name is Juday.

I'm a Hair and Makeup Artist.

I have expertise in stunning makeup looks for all occasions, bringing out your best features.

Driven by Beauty, Guided by Expertise

What I Offer

About Me

Kamusta? Ako si Juday isang professional makeup artist sa bansang tinaguriang “happiest country in the world, Philippines!Bata pa lang ako nasa puso ko na ang humawak ng mga makukulay na gamit, isa sa mga talentong nabihasa ko ay ang pagmamakeup. Nagsimula ‘to no’ng sinubukan akong ayusan ng aking pinsan at nakita ko na ang saya ng kulay ng nasa mukha ko. Hindi ko inaasahan na ang isang masasabi kong nakahiligan ko lang ay magiging bunga ng isang magandang talento.

Bago ang isa sa pinaka dilubyong nangyari sa mundo no’ng 2021, ang covid19, Isa akong Guro sa sekondarya sa pribadong paaralan Manila. Sa mga panahon na ‘yon isinanbi ko ang pagiging artist na nagtrabaho ng regular kasama ang mga mahal kong Estudante, pero dahil na rin sa pandemya napilitan akong umalis sa pagtuturo at wlang trabaho ng mahigit 3 buwan. Sa mga panahong ‘yon wala akong nakitang pwedeng pagkaabalahan kundi ang pag-aayos sa sarili habang nagbabakasakaling makahanap ng work from home na trabaho. Mas lalo akong nahasa at maswete naman na naiisingit ko pa rin ang regular kong trabaho at pagiging artist. Dahil na rin sa mahigit walong taon kong pag-aayos sa mga iba’t ibang tao, masaya ako na makilala kayo na bigyan ng magandang serbisyo sa mga party/events niyong dadaluhan.

Nagpapasalamat ako sa mga taong naging bahagi kung nasaan ako ngayon. Kung hindi dahil sa mga taong nagtiwala sa’kin mula no’ng bagohan pa lang ako hanggang ngayon at patuloy na nag-aaral ng mga makabaging teknik sa ganitong biyaya ay wala rin ako ngayon sa kung ano ang nakikita niyo. Kaya masaya akong makilala ang mga future clients ko para sa mga masayang events niyo sa buhay.

Just say hi.

I am always open to discuss your hair and makeup needs.

Email me at

prettylooksbyjuday@gmail.com


Juday Belmonte

Professional Hair & Makeup Artist